top of page
Black Hole Grid
jubileo-2025.png
jubileo-2025-seeklogo.png

Alamin ang Hubileo

Aral Pang-Hubileo, isinalin sa tagalog, ang ilan ay hango sa opisyal na website ng Vatican para sa Taon ng Hubileo 2025.

translated into Tagalog, some are based on the official website of the Vatican for the Jubilee Year 2025.

LAKBAY PAG-ASA

Pilgrims of Hope

Ano ang Jubilee o Hubileo?

Ang Hubileo ay isang natatanging taon ng panalangin. Ito ay panahon ng pagpapatawad, pakikipagkasundo, at paglalakbay pananampalataya, na bahagi ng tradisyong Katoliko. Karaniwan, ang Hubileo ay ipinagdiriwang tuwing dalawampu't limang taon.

Kailan ito nagsisimula at nagtatapos?

Pormal na bubuksan ni Papa Francisco ang Banal na Pinto sa Basilika ni San Pedro sa Disyembre 24, 2024, at ito ay isasara sa Enero 6, 2026. Sa ating lokal na pagdiriwang, sinimulan natin ang Hubileo sa pormal nitong pagbubukas sa ating Diyosesis ng Malolos noong Disyembre 29, 2025, at tatapusin sa ika-6 ng Enero 2026.

“Alam ng bawat isa kung pano ang umasa. Sa puso ng bawat tao, nananahan ang pag-asa bilang hangarin at paghihintay ng mabubuting bagay na darating, kahit hindi natin alam kung ano ang hatid ng hinaharap…. Para sa ating lahat, nawa ang Hubileo ay maging pagkakataon upang mapanibago tayo sa pag-asa.” — Papa Francisco

Ayon kay Papa Francisco ang Pag-asa ay paghihintay ng mabuting bagay sa hinaharap. Sa ating pananampalataya, wala na sigurong ibang hiling ang bawat isa sa atin kung hindi ang makarating ng langit. Tayo bilang mga anak ng Diyos ay ang siyang umaasa sa kaniyang awa at pagpapatawad, kaya naman sa taon ng Hubileo, binibigyan tayo ng pagkakataon na maglakbay tungo sa Pag-asa na ating hinahangad.

Abstract Structure
DSC_90562_edited.png

PILGRIMAGE

Ang etimolohiya ng salitang "pilgrimage" ay makabuluhan at halos hindi nagbago ang kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Nagmula ito sa salitang Latin na “per ager,” na nangangahulugang “sa kabila ng mga bukirin”, o marahil mula sa “per eger,” na nangangahulugang “pagtawid sa hangganan”. Ang dalawang posibleng pinagmulan na ito ay kapwa nagpapakita ng natatanging katangian ng isang paglalakbay.

Ang paglalakbay-pananampalataya ay isang karanasan ng pagbabalik-loob, isang pagbabago ng sarili upang maayon ito sa kabanalan ng Diyos. Ang makakamit sa pagsasagawa nito ay Indulhensya.

 

Sa buong Taon ng Hubileo, ang mga mananampalataya ay inaanyayahang maglakbay-pananampalataya patungo sa isa o higit pang mga simbahang lokal na itinalaga bilang mga sagradong lugar ng Hubileo.
 

Para naman sa mga hindi makalahok sa malalaking pagdiriwang, paglalakbay-pananampalataya, at mga holy visitsdahil sa matinding kadahilanan, maaari pa rin nilang matanggap ang Indulhensiyang Pang-Hubileo kung sila ay espiritwal na makikiisa sa mga mananampalatayang personal na nakikiisa. Ito ay sa pamamagitan ng pagdarasal ng Ama Namin, Pahayag ng Pananampalataya, at iba pang panalanging naaayon sa layunin ng Banal na Taon, saan an sila naroroon sa kanilang mga tahanan o sa mga lugar kung saan sila may paghihirap

at ihahandog ang kanilang mga sakit o pagsubok sa buhay bilang isang espiritwal na alay.

White Brick Wall

Ang Indulhensiya ng Jubileo ay isang kongkretong pagpapahayag ng awa ng Diyos, na lumalampas at bumabago sa hangganan ng katarungang pantao. Ang kayamanang ito ng biyaya ay pumasok sa kasaysayan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng patotoo ni Hesus at ng mga santo, at sa pamamagitan ng pakikiisa sa kanila, ang ating pag-asa para sa kapatawaran ay tumitibay at nagiging katiyakan. Ang Indulhensiya ng Jubileo ay nagpapalaya sa ating puso mula sa bigat ng kasalanan sapagkat ang kabayarang nararapat para sa ating mga kasalanan ay malaya at masaganang ipinagkakaloob.

Sa praktikal na pananaw, ang karanasan ng awa ng Diyos ay nangangailangan ng ilang mga espirituwal na gawain na itinakda ng Santo Papa. Yaong mga hindi makapagsagawa ng paglalakbay ng Jubileo dahil sa karamdaman o iba pang dahilan ay inaanyayahang makibahagi pa rin sa espirituwal na paglalakbay na kasama ng Taon ng Jubileo,

sa pamamagitan ng paghahandog ng kanilang araw-araw na pagdurusa at sa pakikilahok sa pagdiriwang ng Eukaristiya.

​​

​​

​

Ang kasalanan ay may dobleng bunga. Ang indulhensiyang plenarya ay ang ganap na kabayaran sa lahat ng ibinungang kasalanang ating nagawa. Ang Sakramento ng Kumpisal ay nag-aalis ng walang hanggang kaparusahan na nararapat sa ating mga kasalanan. Samantala, ang indulhensiya ay ang pagpapawalang-sala sa pansamantalang kaparusahan (ang mga natitirang bunga ng kasalanan sa atin na sa atiy lilinisin sa purgatoryo).

​

Ang bawat kasalanan, maging ang magaan (venial), ay nag-iiwan ng hindi mabuting kaugnayan sa makamundong bagay, kahit pa ito ay napatawad na sa pamamagitan ng kumpisal. Itinuturo ng Simbahan na ang mga hindi mabubuting kaugnayang ito ay maaaring malinis habang tayo ay nabubuhay sa lupa (sa pamamagitan ng indulhensiya) o matapos ang kamatayan sa purgatoryo. Ang masaganang awa ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong mapalaya mula sa makamundong impluwensya sa pamamagitan ng makalangit na lunas, tulad ng panalangin, peregrinasyon, debosyon, at mga gawa ng awa.​​

pngegg (6).png

INDULGENCE

PAANO KO MAKAKAMIT ANG INDULHENSIYA PLENARYA NG HUBILEO?

Ang indulhensiya ay isang biyaya ng Jubileo na maaaring ipagkaloob para sa iyong sarili o para sa isang yumaong kaluluwa, ngunit hindi para sa ibang nabubuhay na tao.

​

Ang pagtatamo ng indulhensiya para sa isang yumao ay isang dakilang gawa ng awa, sapagkat ito ay nagbibigay-bayad sa mga natitirang bunga ng kasalanan na kanilang pinagdaraanan sa purgatoryo, kaya't nagkakaroon sila ng pagkakataong makapasok sa langit.

​

Kung ang indulhensiya naman ay para sa iyong sarili, ito ay pagtulong sa pagpapawalang-sala sa mga natitirang bunga ng iyong kasalanan upang higit kang mapalapit sa kabanalan.

Pindutin upang buksan

INDULHENSYA SA HUBILEO Q&A

PARA SA MGA KATANUNGAN UKOL SA PAGKAKAMIT NG INDULHENSYA, MAAARI NINYONG BUKSAN ANG FILE NA NASAIBABA

Dot Waves
bottom of page